^

Probinsiya

Selosa lumaklak ng asido, patay

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines  â€“ Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 23-anyos na dalaga na nagselos sa kanyang nob­yong Kano na sinasabing nagbigay ng tulong pinansyal sa dating nobya makaraan itong uminom ng muriatic acid noong Martes ng hapon sa inuupahang apartment sa Sitio Tiago, Barangay San Isidro sa Talisay City, Cebu.

Kinilala ni P02 Edwin Campomanes ang biktima na si Nelmie Labrador.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na nagselos ang biktima sa ex-girlfriend ng kanyang nobyang Kano na si Anthony Louis, 61.

Nabatid na nag-text ang ex-girlfriend ng Kano para himinggi ng financial assis­tance dahil sa lumalalang karamdaman.

Kaagad namang pinuntahan ng Kano ang dating nobya para tulungan subalit nagbanta ang biktima na magpapakamatay kapag hindi umuwi ang nobyo sa itinakdang oras.

Gayon pa man, nang bumalik sa apartment ang Kano ay nadatnan nito ang biktima na bumubula ang bibig kung saan natagpuan  sa sahig ang botelya ng muriatic acid at gunting.

Mabilis namang isinugod sa Talisay City District Hospital subalit idineklarang patay ang biktima.

 

vuukle comment

ANTHONY LOUIS

BARANGAY SAN ISIDRO

CEBU

EDWIN CAMPOMANES

KANO

NELMIE LABRADOR

SITIO TIAGO

TALISAY CITY

TALISAY CITY DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with