^

Probinsiya

Mister itinumba ng NPA rebels

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Pinagbabaril sa harapan ng kaniyang misis ang isang mister nang mga armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy Cagay, Masbate City.

Dead on the spot sa insidente  ang biktimang si Ronnie Buri, nasa hustong gulang, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa  imbestigasyon, dakong alas-12 ng hatinggabi nang kaladkarin ang biktima ng mga rebelde sa loob ng tahanan nito  at kinaladkad may ilang metro ang layo  sa kanilang bakuran bago  pagbabarilin mismo sa harapan ng nagmamakaawa nitong asawa.

Napag-alaman na ang biktimang mister ay pinaghihinalaang tiktik ng militar at pulisya sa kanilang lugar na siyang hinihinalang motibo ng krimen.

vuukle comment

BIKTIMANG

BRGY CAGAY

HARAPAN

MASBATE CITY

NAPAG

NEW PEOPLE

PINAGBABARIL

RONNIE BURI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with