^

Probinsiya

Koreano dinedo ng kabaro

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - - Napatay ang 31-anyos na Koreano habang nakaligtas naman ang kasama nito makaraang  ratratin ng tatlong kalalakihan na sinasabing inupahan ng kanilang among Koreano kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Iba, bayan ng Silang, Cavite.

Kinilala ang napatay na si Yang Kwang Sung habang nakaligtas naman ang kasamang si Inseong Jeong, 30, kapwa nakatira sa Angeles City, Pampanga at mga kawani ng Online Casino na pag-aari ni Shim Beom Sik, 42, ng Tahanan Village, BF Homes, Parañaque City.

Nasakote naman ang mga suspek na sinasabing may-ari ng Online Casino na si Beom Sik at ka-live-in  na si Ma. Theresa Kaycee Salvador, 25. Pinaghahanap naman ng pulisya ang iba pang suspek na binayaran ni Sik na sina Chester Dela Cruz, Alyas Allan Jay, at isang alyas Estoot.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isinakay ang mga biktima sa Toyota Fortuner (XXX96) bago inilipat sa van pagsapit sa harapan ng grocery sa Parañaque City.

Dito na sila iginapos saka pinagbabaril kung saan nagawang magpatay-patayan ni Jeong bago sila itinapon sa ilog kung saan nakahingi naman ng tulong sa mga awtoridad.

vuukle comment

ALYAS ALLAN JAY

ANGELES CITY

BARANGAY IBA

BEOM SIK

CHESTER DELA CRUZ

INSEONG JEONG

KOREANO

ONLINE CASINO

SHIM BEOM SIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with