^

Probinsiya

3 mag-uutol nilamon ng ilog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€“ Magkakasunod na nilamon ni kamata­yan ang tatlong mag-uutol na tinedyer matapos malunod sa ilog ng Pasong Mitring sa Barangay Javalera, bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang tatlo na sina Jeric Mercado, 13; Jaymark Mercado, 14; at si Jan Maynard Mercado, 16, pawang nakatira sa Block 38 Lot 7 Phase 4 sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P03 Barry Baluyot, magkakasamang naglalakad sa gilid ng tulay ang tatlong mag-uutol nang madulas si Jaymark kung saan nagtuluy-tuloy na nahulog sa nasabing ilog.

Gayon pa man, tinangkang sagipin nina Jaric at Jan Maynard ang kanilang utol kaya lumundag ang mga ito subalit sa lakas ng agos ng tubig ay tuluyang nilamon ng ilog.

Kaagad naman humingi ng tulong sa mga residente ang nakatatandang utol na si Kenndy subalit nabigong masagip ang mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY JAVALERA

BARRY BALUYOT

CAVITE

GENERAL TRIAS

JAN MAYNARD

JAN MAYNARD MERCADO

JAYMARK MERCADO

JERIC MERCADO

PASONG MITRING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with