^

Probinsiya

Summer outing: 1 utas, 20 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€“ Nabahiran ng lungkot ang masayang summer outing ng mga kawani ng pizza parlor matapos mamatay ang isa habang aabot naman sa 20 ang nasugatan sa naganap na sakuna sa bayan ng Maragondon, Ca­vite, kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Beverlyn Agato,19, kahera ng Yellow Cab Pizza at nakatira  sa Makati City habang naisugod naman sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga sugatang biktima. Nasakote naman ang driver ng jeepney na si Crispin Herrera, 34, ng #5324 Binakod Street, Barangay  Olympia, Makati City. Ayon kay PO2 Teddy Labampa, nawalan ng preno ang jeepney (PKG-203) pagsapit sa nasabing lugar kaya nagpagiwang-giwang ang sasakyan hanggang sa tumilapon palabas ang biktima. Nabatid na ang mga biktima ay patungong beach resort para sa kanilang company outing nang makasalubong ang trahedya.

 

vuukle comment

AYON

BEVERLYN AGATO

BINAKOD STREET

CRISPIN HERRERA

KINILALA

MAKATI CITY

SAN LORENZO RUIZ HOSPITAL

TEDDY LABAMPA

YELLOW CAB PIZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with