^

Probinsiya

Trader dedo sa road mishap

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES , Philippines   â€” Kamatayan ang sumalubong sa 38-anyos na Indian trader matapos maipit ng tanker trak at pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa bayan ng Subic, Zambales. Kinilala ang biktimang si Harjinder Singh ng Barangay Natividad, bayan ng San Narciso, Zambales habang sumuko naman sa pulisya ang drayber ng tanker. Sa ulat na nakarating kay P/ Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic PNPO, naganap ang aksidente dakong alas-10:40 ng gabi matapos salpukin ng oil tanker (RJZ 522) ni Orly Peñaflor ng Barangay Malapad, bayan ng Real, Quezon ang kotse ng biktima sa kahabaan ng highway sa Barangay Calapacuan. Nabatid na nawalan ng preno ang trak pagsapit sa pababang bahagi ng barangay road kung saan tuluy-tuloy na sinalpok ang sasakyan ng biktima na bumangga naman sa sinusundang pampasaherong bus.

vuukle comment

BARANGAY CALAPACUAN

BARANGAY MALAPAD

BARANGAY NATIVIDAD

CHIEF INSPECTOR ORIANO MINA

HARJINDER SINGH

ORLY PE

SAN NARCISO

SUBIC

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with