^

Probinsiya

Mag-ina minartilyo, inatado ng mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagulantang ang buong  Ilocandia matapos na martilyuhin sa ulo at pagta­tagain ng 35-anyos na mister ang kaniyang mag-ina na ikinamatay ng 6-anyos nitong anak na lalaki bago nagtangkang mag-suicide sa Barangay San Lorenzo, bayan ng Bangui, Ilocos Norte kamakalawa.

Idineklarang patay sa Bangui District Hospital matapos na mamuo ang dugo sa ulo ng biktimang si Jimuel Pacheco na nagtamo rin ng ilang taga sa katawan.

Patuloy namang ginagamot sa nasabing pagamutan ang misis na si Mary Jane Pacheco, 26; at ang mister nitong si Jolie Pacheco.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rolie Saltat, PNP regional spokesman, si Mary Jane ay nagtamo ng mga sugat sa ulo sa pananaga at mga palo ng martilyo ng mister nito na nagtangkang magpakamatay matapos gilitan ang sarili at martilyuhin ang kanyang ulo.

Bandang alas- 6:35 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya Pacheco sa Barangay San Lorenzo kung saan mistulang pinasukan ng  masamang espiritu ang mister matapos nitong pagmamartilyuhin  at tagain ang kaniyang mag-ina.

Naisugod pa sa ospital ang mag-ina subalit namatay din ang bata matapos mapuruhan sa ulo ng martilyo habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

 

vuukle comment

BANDANG

BANGUI DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY SAN LORENZO

ILOCOS NORTE

JIMUEL PACHECO

JOLIE PACHECO

MARY JANE

MARY JANE PACHECO

ROLIE SALTAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with