^

Probinsiya

Madre inatado sa monasteryo

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY , Philippines   â€“ Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 36-anyos na Franciscan makaraang pagtatagain ng isang lalaki na sinasabing may mental illness sa naganap na karahasan sa loob ng Ave Maria Franciscan Sisters Monastery sa Barangay Sacsac, bayan ng Consolacion, Cebu kamakalawa ng umaga.

Naisugod naman sa pribadong pagamutan sa Cebu City ang biktimang si Sister Annabel Macas na nagtamo ng matinding mga sugat  sa ulo at leeg.

Arestado naman ang suspek na si Romilo Tampus, 26, ng Barangay Tulo-tulo sa nabanggit na bayan.

Palaisipan naman sa pulisya partikular na kay PO1 Rechie Gilleran kung saan at papaano nakapasok ang suspek sa nasabing monasteryo.

Isa sa mga teorya ng pulisya na nakapasok ang suspek matapos itong umakyat sa may 1-metrong taas na bakod sa likuran ng monasteryo.

Ayon pa sa pulisya, nagsimulang managa si Tampus sa mga madreng makasalubong nito maliban kay Macas na pawang nagpanakbuhan palabas ng monasteryo kung saan kasaluku­yang may morning devotional  sa chapel.

Ayon pa sa pulisya, itutuloy ng mga madre na kasuhan ang suspek kahit ito ay may kapansanan sa pag-iisip.

 

vuukle comment

ARESTADO

AVE MARIA FRANCISCAN SISTERS MONASTERY

AYON

BARANGAY SACSAC

BARANGAY TULO

CEBU CITY

RECHIE GILLERAN

ROMILO TAMPUS

SISTER ANNABEL MACAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with