^

Probinsiya

Hepe ng pulisya, utas sa ambus!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang hepe ng pulisya matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang dumadaan sa highway ng Brgy. Dulagan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Bi­yernes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing opisyal na si Inspector Tiongan Namla, Chief of Police sa bayan ng Mother Kabuntalan ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Sr. Supt. Rodelio Jocson, hepe ng Maguindanao Police, dakong alas-5:45 ng hapon habang binabagtas ni Namla ang nasabing lugar  lulan  ng motorsiklo  nang buntutan siya ng isang  pick-up truck na walang plaka habang dalawang armado pang lalaki na lulan ng magkahiwalay na motorsiklo ang nagsilbing backup.

Pagsapit sa lugar ay agad na pinaulanan ng bala ng mga suspek ang biktima na duguang tumilapon sa motorsiklo.

Pagbagsak sa kalsada ay nilapitan pa ng dalawang lulan ng motorsiklo ang biktima saka muling pinagbabaril.

Nang matiyak na wala nang buhay ang opisyal, agad na nagsitakas ang mga suspek  patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Narekober ng mga nag­respondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng ka­libre 45 pistol at M-16 rifles.

Ipinag-utos na ni Jocson ang masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen at upang matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang. 

 

vuukle comment

CHIEF OF POLICE

COTABATO CITY

DATU ODIN SINSUAT

INSPECTOR TIONGAN NAMLA

MAGUINDANAO POLICE

MOTHER KABUNTALAN

RODELIO JOCSON

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with