^

Probinsiya

5 tiklo sa karnap na bus

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Lima-katao na sinasabing naaktuhang kinakatay ang karnap na shuttle bus ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Taboc, bayan ng Angat, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina Ana Lorraizeree Bernabe ng Brgy. Catacte; Manolito Sayo ng Brgy. Liciada; Joseph Ramos ng Brgy. Tibagan; Rodolfo Villanueva ng Brgy. Malamig, pawang nakatira sa bayan ng Bustos, Bulacan; at si Jonathan Gonzales ng Brgy. Cacarong Matanda sa bayan naman ng Pandi.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Christopher Dela Cruz, namataan ang mga suspek sa bakanteng lote na kinakatay ang JRMS shuttle bus (RGC-167) na sinasabing kinarnap.

Gayon pa man, walang maipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek maliban sa photo copy ng OR/CR ng sasakyan matapos sitahin ng mga awtoridad.

Nang beripikahin sa talaan ng PNP-Highway Patrol Group, lumilitaw na kinarnap nga ang nasabing bus.

Napag-alamang kinarnap ang nasabing bus matapos iparada ng driver na si Enrico Castillo sa bisinidad ng palengke sa Barangay Pulong Sta. Cruz sa Sta. Rosa City, Laguna noong Linggo (Marso 2).

vuukle comment

ANA LORRAIZEREE BERNABE

BARANGAY PULONG STA

BARANGAY TABOC

BRGY

BULACAN

CACARONG MATANDA

CHIEF INSP

CHRISTOPHER DELA CRUZ

ENRICO CASTILLO

HIGHWAY PATROL GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with