^

Probinsiya

5 kritikal sa road mishap??

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Lima-katao ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng kanilang van ang isang bahay saka sumadsad sa  kahabaan ng highway sa Barangay Magapit sa bayan ng Lallo, Cagayan kamakalaya. 
Kinilala ni P/Chief Insp. Jacinto Tuddao, hepe ng Lallo PNP, ang mga biktima na sina Tom Jefferson Chua, 21, driver ng van; Paul Jay Abinan, 23; Jeff Lester Rosales, 21; Rasol Ambul, 21;  at si Mark Genesis Chua, 24. 
 Base sa police report, pumutok ang isa sa unahang gulong ng van biktima malapit  sa Magapit suspension bridge kaya nawalan ng control sa manibela ang driver. 
Dito na tuluyang sumalpok ang van ng mga biktima sa bahay ni Vicmon Cabildo kung saan wala namang tao sa loob ng bahay nang naganap ang sakuna. 
Sumadsad ang van sa kahabaan ng highway matapos mabangga ang bahay habang naisugod naman sa Matilde Olivas District Hopital ang mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY MAGAPIT

CHIEF INSP

JACINTO TUDDAO

JEFF LESTER ROSALES

LALLO

MARK GENESIS CHUA

MATILDE OLIVAS DISTRICT HOPITAL

PAUL JAY ABINAN

RASOL AMBUL

TOM JEFFERSON CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with