^

Probinsiya

Maton todas sa parak

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Nasawi ang isang lalaking siga makaraang manggulo sa kanilang barangay matapos na panain ang isang nagrespondeng pulis at sinaksak pa ang isang barangay kagawad sa Brgy. San Martin 1, San Jose Del Monte City, lalawigang ito kahapon. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Sapang Palay District Hospital ang suspek na si Eddie Martinez, 59,  ng Purok 3, Brgy. San Martin 1 sa naturang siyudad. Nilalapatan din ng lunas sa naturang ospital ang sugatang sina Barangay Kagawad Antonio Francisco Jr. dahil sa tinamo nitong saksak sa kanang hita at PO1 Ed-ed­­ Cacayurin, miyembro ng San Jose Del Monte City PNP na nagtamo ng palo ng liyabeng tubo at tama ng pana sa kanyang dibdib. 

Base sa ulat ni P/Supt. Joel Estaris, dakong alas 4:00 ng hapon ay nirespondehan ng kanyang mga tauhan ang inihaing reklamo ng dalawang menor de edad na lalaki na kapwa residente ng Brgy. Bagong Buhay 2 at Brgy. San Martin II dahil sa ginawang pananakit sa kanila ng suspek at nang puntahan ang bahay nito ay dito na nakita na armado ng tirador at pana, ice pick at kutsilyo. Sinubukang pasukuin ang suspek ngunit naging bayo­lente ito saka inatake ang umaarestong awtoridad.

 

vuukle comment

BAGONG BUHAY

BARANGAY KAGAWAD ANTONIO FRANCISCO JR.

BRGY

CACAYURIN

EDDIE MARTINEZ

JOEL ESTARIS

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAN MARTIN

SAPANG PALAY DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with