^

Probinsiya

Mister pinutulan ng ari

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Nagwakas ang pagiging macho ng 40-anyos na mister matapos itong putulan ng ari ng tatlong kala­lakihan na nagpanggap na mga tauhan ng Phil. Drug enforcement Agency kamakalawa ng hapon sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan. Ligtas naman naisugod sa ospital ang biktimang si Rodelio Salo, drayber at nakatira sa  nabanggit na barangay.

Lumilitaw na nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang biglang dumating ang tatlong kala­lakihan na nagpanggap na PDEA kung saan nagsilbi ng search warrant kaugnay sa kasong bawal na droga, ayon sa ulat ni PO3 Enrique Bolina

Habang isinisilbi ang search warrant sa loob ng bahay ay kaagad na tinutukan ng baril ang biktima saka iginapos ang mga kamay at paa nito.

Dito ibinaba ang pantalon ng biktima saka pinutol ang pagkalalaki nito gamit ang matalim na kutsilyo saka mabilis na tumakas ang mga armadong lalaki na lulan ng kotse na may plakang TLY 413.

Tumanggi namang magbigay ng detalye ang biktima kaugnay sa naganap na krimen.

vuukle comment

BARANGAY GAYA-GAYA

BULACAN

DITO

ENRIQUE BOLINA

HABANG

LIGTAS

LUMILITAW

RODELIO SALO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with