^

Probinsiya

Ina kinatay, kinain ng sariling mga anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong magkakapatid matapos nilang katayin at kainin ang lamang-loob ng kanilang sariling ina sa Ampatuan, Maguindanao noong nakalipaw na linggo.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso sa magkakapatid na sina Dante Amil, 35, and Paroy, 21 at Ibrahim, 18.

Sumuko ang magkakapatid sa mga opisyal ng barangay na sumugod sa bukid ng pamilya Amil sa Purok Nabadtog, BArangay Kamasi, noong MIyerkules.

Ayon kay Senior Inspector Ronald De Leon, hepe ng Ampatuan municipal police station, malamang na lulong sa bawal na gamot ang magkakapatid nang itali nila at katayin na parang baboy ang sariling ina.

Sinabi ni De Leon na ayon sa salaysay ng mga kapit-bahay at mga kakilala ng magkakapatid, parang hayop nilang kinain ang ilang bahagi ng katawan at lamang-loob ng kanilang ina.

Samantala, may mga matatanda naman sa lugar na nagsasabing sinaniban ng masamang espiritu ang magkakapatid kaya nila nagawa ang karumaldumal na krimen.

Nagtataka naman ang pulisya at mga residente ng lugar sa nagawa ng magkakapatid, na pawang wala pang kahit isang masamang rekord sa kanilang komunidad.

vuukle comment

AMPATUAN

ARESTADO

AYON

DANTE AMIL

DE LEON

IBRAHIM

INIHAHANDA

MAGKAKAPATID

PUROK NABADTOG

SENIOR INSPECTOR RONALD DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with