^

Probinsiya

Mangingisda kinatay ng mag-ama

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Napatay ang 44- anyos na mangingisda matapos itong pagtulungang pagtatagain at tuhugin ng kawayan ng mag-ama dahil lamang sa away ng mga anak kamakalawa sa Barangay Poblacion, bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
 Naisugod ng mga kasamahan ang biktimang si Ruben Madriaga sa Bangui District Hospital subalit namatay din habang ginagamot. Samantala, arestado naman ang mga suspek na sina Duardo Aldos, 40, at Eddie Cris Aldos, 18, pawang magkakapitbahay sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Jonathan Papay, hepe ng Pagudpud PNP, lumalabas sa imbestigasyon na sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng biktima at mag-amang suspek kaugnay sa away ng kani-kanilang mga anak. Naganap ang krimen habang nangingisda ang biktima at mga suspek kung saan naging testigo ang ilang kabaro ng biktima na nangingisda rin sa nasabing karagatan.

 

vuukle comment

BANGUI DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSP

DUARDO ALDOS

EDDIE CRIS ALDOS

ILOCOS NORTE

JONATHAN PAPAY

NAGANAP

PAGUDPUD

RUBEN MADRIAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with