^

Probinsiya

Holdaper dedo sa barilan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Patay ma­tapos  na makipagpalitan ng putok sa  mga nagrespon­deng operatiba ng pulisya ang isang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang na nang-hostage at nangharang pa ng sasakyan sa tapat ng isang supermarket sa Tanza, Cavite kamakalawa.

Ang bangkay ng suspek na inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ay dinala na sa Ernest Funeral Homes habang tinutugis pa ang nakatakas nitong kasamahan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Joel Mendoza may hawak ng kaso, alas-2 ng hapon ng magsimula ang engkuwentro ng pulisya laban sa mga suspek sa harapan ng Puregold supermarket sa Brgy. Amaya 3 ng bayang ito.

 Bago  ito ay hinoldap ng mga suspek si Dr. Ryan Pangilinan sa Dental Clinic nito sa Brgy. Poblacion IV ng nasabing bayan na natu­nugan naman ni PO1 Hernan Romanes kung saan nanghostage ang isa sa mga ito ng bata habang nakatakas naman ang isa pa na sumakay sa isang kulay puting van (NOW-393 ).

Tinutukan nito ng baril ang bata habang mabilis na tumatakbo at ng may makita itong paparating na Mitsubishi Adventure  (WEG 295) ay agad nitong hinarang at tinutukan ang driver bago pinababa saka kinomander ang sa­sakyan habang iniwan naman ang paslit. ­Nagkaroon ng habulan na nauwi sa shootout sa pagitan ng pulisya at ng suspek  na ikinasawi nito.

 

vuukle comment

AMAYA

BRGY

DENTAL CLINIC

DR. RYAN PANGILINAN

ERNEST FUNERAL HOMES

HERNAN ROMANES

JOEL MENDOZA

MITSUBISHI ADVENTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with