^

Probinsiya

'Acetylene Gang' umatake sa Cotabato City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa matukoy ang halaga ng mga alahas na natangay sa muling paglusob ng “Acetylene Gang” sa isang sanglaan sa Cotabato City nitong Linggo ng gabi.

Nilooban ng mga suspek ang Feroche Pawnshop sa pagbutas ng pader gamit ang portable electric drill, acetylene cutter, at 10-ton manual hydraulic jack.

Sinabi ni Senior Superintendent Rolen Balquin, director ng Cotabato City police, na inaalam pa ng mga imbestigador ang halaga ng mga alahas at perang natangay ng mga suspek.

Dagdag ni Balquin na naka-check-in ang mga suspek sa isang hotel na nasa likod ng sanglaan.

Mula sa inupahang kuwarto ay gumawa ng butas ang mga suspek papasok sa sanglaan.

Inaalam pa rin hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspek base sa mga tauhan ng inupang hotel.

Pinapanood na rin ang kuha ng mga closed circuit television camera ng hotel.

Nitong nakaraang linggo lamang ay nilusob naman ng armadong kalalakihan ang isang sanglaan sa kaparehong lungsod.

Nangyari ang krimen kahit tirik ang araw at ilang metro lamang ang layo ng sanglaan sa presinto.

vuukle comment

ACETYLENE GANG

BALQUIN

COTABATO CITY

DAGDAG

FEROCHE PAWNSHOP

INAALAM

LINGGO

MULA

SENIOR SUPERINTENDENT ROLEN BALQUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with