^

Probinsiya

Bike vs bus: 3 todas

Joy Cantos at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang namatay habang walo naman ang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kasalubong nitong motorsiklo  sa kahabaan ng Rolando Andaya Highway sa Barangay Geongan, bayan ng Sipocot, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kahapon sa PNP Highway Patrol Group, Kabilang sa mga namatay ay sina Bernie Nocete, 35, driver ng motorsiklo, at  kawani ng lokal na pamahalaan ng Sipocot; Ivy Marie Angob, 21, ng Calbayog City at isa pang inaalam ang pagkakakilanlan. Sugatan naman ang mga pasahero ng bus na sina Leonida Carijutan, Nieves Caceres, Melanie Arisgado, Visitacion Dagome, Catherine Risos at Lanie Casugano, pawang nakatira sa Calbayog City Northern Samar habang ang dalawa pang sugatan ay kapwa kaangkas sa motorsiklo. Sa pagsisiyasat, galing sa Maynila ang Ultra bus (TYR831) ni Rex Turingan nang mag-overtake ito sa delivery trak sa pakurbadang highway kung saan nabangga ang motorsiklo.

 

vuukle comment

BARANGAY GEONGAN

BERNIE NOCETE

CALBAYOG CITY

CALBAYOG CITY NORTHERN SAMAR

CAMARINES NORTE

CATHERINE RISOS

HIGHWAY PATROL GROUP

IVY MARIE ANGOB

LANIE CASUGANO

LEONIDA CARIJUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with