^

Probinsiya

Hayskul student ni-rape-slay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­matayan ang sinapit ng 16-anyos na dalagitang hayskul student na pina­niniwalaang ginahasa muna saka pinagpapalo at itinapon ang bangkay sa gitna ng palayan  sa Purok San Roque Padigusan, Barangay Sta Cruz , bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Richellyn Pagdato, 4th year high school sa Bayugan 3 National High School sa nasabing bayan.

Sa ulat na nakarating kay Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba, bandang alas-6:40 ng umaga nang madiskubre ang namamaho ng  bangkay ng biktima na tadtad ng mga sugat at galos sa katawan kung saan tina­bunan pa ito ng dayami.

Nadiskubre ni Er­nesto Salvador, katiwala sa palayan ni Virgilio Ocinco ang bangkay ng biktima matapos na umalingasaw ang masangsang na amoy na nagsisimula ng ma­agnas.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ilang araw ng nawawala ang biktima matapos itong mabigong makauwi mula sa bahay ng kaklase  nito noon pang Disyembre 7.

Pinaniniwalaang ginahasa muna  ang biktima base na rin sa kondis­yon ng bangkay nito nang matagpuan  bago pinatay kung saan isinailalim na sa post-mortem examination ang bangkay nito upang makumpirmang ni-rape ito.

 

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY STA CRUZ

BAYUGAN

CARAGA

MARTIN GAMBA

NATIONAL HIGH SCHOOL

PUROK SAN ROQUE PADIGUSAN

RICHELLYN PAGDATO

VIRGILIO OCINCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with