^

Probinsiya

Chairman, kagawad nilikida

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Napatay ang bagong halal ng barangay chairman at kaibigan nitong kagawad makaraang pagbabarilin ng isang di-kilalang lalaki sa Barangay Mariquet, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa. Idineklarang patay sa Dingras District Hospital ang mga biktimang sina Chairman Edgar Paraiso at kagawad Rogel Baguio habang sugatan naman ang anak ni Paraiso na si Justine, 8. Sa police report na nakarating kay Ilocos Norte PNP spokesman P/Supt. Melvin Napiloy, naghahapunan ang dalawa sa grocery na pag-aari ng pamilya Paraiso nang  pasukin at ratratin ng di-kilalang gunman. Nauna na ring namatay sa aksidente ang reeleksiyonistang chairman ng Quezon, Naguilian, Isabela na si Ernesto Ramirez matapos sumalpok ang kanyang traysikel sa nakatirik na jeepney sa gitna ng tulay.

vuukle comment

BARANGAY MARIQUET

CHAIRMAN EDGAR PARAISO

DINGRAS DISTRICT HOSPITAL

ERNESTO RAMIREZ

IDINEKLARANG

ILOCOS NORTE

ISABELA

MELVIN NAPILOY

PARAISO

ROGEL BAGUIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with