^

Probinsiya

Bunso kinatay ng kuya

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 31-anyos na mister matapos itong pagtatagain ng kanyang kapatid na lalaki habang nanonood ng laban ni Pacman sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Comun, bayan ng Malinao, Albay kamakalawa ng hapon. Namatay habang ginagamot sa Ziga Memorial District Hospital ang biktimang si Rolando Samper habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ireneo Samper Jr., 43 , kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, nanonood ng laban ni Pacman ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan nang dumating at pagtatagain ng suspek na lango sa alak. Nagpulasan naman ang mga nanonood ng boksing dahil sa matinding takot na madamay sa away ng mag-utol. Pinaniniwalaang nag-away ang mag-utol sa minanang lupaing ipinama ng kanilang mga magulang.

 

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY COMUN

IRENEO SAMPER JR.

MALINAO

NAGPULASAN

NAMATAY

NAPATAY

PACMAN

ROLANDO SAMPER

ZIGA MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with