^

Probinsiya

Ama nag-suicide, 2 anak idinamay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinani­ni­walaang may matinding problema sa pamilya ang 42-anyos na ama kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos itong tumalon sa malalim na tulay at idi­namay pa ang dalawa nitong anak na lalaki sa Barangay Baay, bayan ng Lingayen, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Efren Sison, John Dave Sison, 11; at si Dave Sison, 10, pawang nakatira  sa Ba­rangay Maniboc sa na­sabing bayan.

Nabatid na isinalpok ng ama ang minamanehong traysikel kasama ang da­lawa nitong anak sa sementadong pader subalit hindi natuluyan.

Gayon pa man, kinaladkad ng ama ang dalawang anak na nanghihinang patungo sa San Jose Bridge kung saan doon itinulak sa ilog bago ito tumalon.

Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng mag-aama may sampung metro ang layo sa nasabing tulay.

Wala pang pahayag ang misis ni Efren kaugnay sa kinikimkim nitong lihim na panibugho.

vuukle comment

BARANGAY BAAY

DAVE SISON

EFREN

EFREN SISON

GAYON

JOHN DAVE SISON

KINILALA

LINGAYEN

SAN JOSE BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with