Mag-asawa dedo sa ambush
BULACAN , Philippines – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya tinambangan at napatay ang mag-asawang nakamotorsiklo sa kahabaan ng NIA Road sa Barangay Bancal, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kapwa napuruhan sa ulo ang mga biktimang sina Lexter Martinez, 25, trike driver, ng Barangay Sto. Rosario; at Rose De Jesus, 19, ng Northville 8 sa Brgy. Bancal. Sa inisyal na imbestigasyon nina PO3 Ariendo Lorenzo at PO2 Lowell Lorenzo, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki paglapit sa nasabing lugar bandang alas-5:45 ng hapon. Tumilapon sa irrigation canal ang mag-asawa matapos ang pananambang habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest