^

Probinsiya

Remittance center hinoldap

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Sinamantala ng isang grupo ng mga armadong holdaper ang pagiging abala ng pulisya sa nalalapit na Brgy. elections matapos holdapin ang isang remittance center sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na nakapalag pa ang nagi-isang empleyado ng Luzon Brokerage Corp. (LBC) ng pasukin ito ng hindi nakilalang mga armadong holdaper sa kanilang sangay sa Calumpit-Pulilan National Road sa Brgy. Poblacion sa naturang bayan. Base sa imbestigasyon ni PO1 Almario Santos dakong alas-10:56 ng umaga ng biglang pasukin ng mga suspek na nagpanggap na kustomer ang remittance center saka nagdeklara ng holdap.

Nagawa namang matangay ng mga suspek ang P45,000 pera ng kumpanya at iba pang mahahalagang kagamitan ng mga emple­yado tulad ng cell phone saka mabilis na tumakas sa lugar. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

ALMARIO SANTOS

BRGY

BULACAN

CALUMPIT-PULILAN NATIONAL ROAD

LUZON BROKERAGE CORP

NAGAWA

PATULOY

PULILAN

SINAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with