^

Probinsiya

Magkalaguyong pulis kinasuhan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  â€“ Nalalagay sa balag ng alanga­ning masibak sa hanay ng pulisya at makulong ang magkalaguyong pulis na sinasabing naaktuhang magkasiping matapos mag­reklamo ang tunay na misis sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mag-lover na sina PO2 Christopher Ramiscal, 33; at PO1 Michelle Collado, 33, kapwa nakatalaga sa Malolos City PNP.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Marissa Rocero ng PNP-Women’s and Children Complaint Desk sa Camp Alejo Santos, lumilitaw na pinuntahan ng misis ni PO2 Ramiscal na si Rossette ang isang bahay sa Alido Hieghts Subd. upang kumpirmahin ang nakita nitong larawan sa facebook kung saan nagaganap ang inuman na dinaluhan ng kanyang mister kasama ang iba pang kaibigan.

Sinubukang tawagan ni Rossette ang kanyang  mister ngunit hindi ito sumasagot sa cell phone kaya palihim na nilapitan ang nakabukas na bintana ng bahay.

Gayon pa man, bumulaga kay Rossette ang kanyang mister at PO1 Collado na magkatabing natutulog na kapwa walang saplot sa katawan.

Sa halip na komprontahin ang magkalaguyo ay minabuting magtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang da­lawa habang hindi naman nakuha ang panig ng dalawang pulis matapos itong  di-na sumipot sa kanilang trabaho.

 

vuukle comment

ALIDO HIEGHTS SUBD

BARANGAY BULIHAN

CAMP ALEJO SANTOS

CHILDREN COMPLAINT DESK

CHRISTOPHER RAMISCAL

MALOLOS CITY

MARISSA ROCERO

MICHELLE COLLADO

ROSSETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with