^

Probinsiya

Akyat-bahay dedo sa tanod

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 22-anyos na sinasa­bing miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanlaban sa mga awtoridad matapos itong pagbabarilin ng barangay tanod sa bahagi ng Barangay Sampaloc sa bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala ng cal. 9mm pistol sa mukha at dibdib ang tumapos sa buhay ni Dan Carlo Taguinod ng Barangay Tangos sa bayan ng Baliwag.

Sumuko naman sa pulisya ang tanod na si Roberto Hipolito, 62, hepe ng mga barangay tanod sa Barangay Ulingao sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Roginald Francisco, nag­reklamo sa barangay hall ang inakyat-bahay na si Shirley Tamayo kaya inilatag ang operasyon ng grupo ni Hipolito laban kay Taguinod.

Kaagad naman na­mataan si Taguinod sa madilim na bahagi ng nasabing lugar kaya tinangkang sitahin subalit nanlaban ito gamit ang mahabang gunting.

Dito na pinutukan ni Hipolito ang sinasabing kawatan bago pa mang mu­ling manaksak.

 

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY SAMPALOC

BARANGAY TANGOS

BARANGAY ULINGAO

DAN CARLO TAGUINOD

HIPOLITO

ROBERTO HIPOLITO

ROGINALD FRANCISCO

SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with