^

Probinsiya

Misis ni-rape ng 3 adik

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Karumal dumal ang sinapit ng isang 18 anyos na misis na ginahasa muna saka hiniwa ng blade ang halos buong katawan ng tatlong kalalakihan na umano’y lango sa droga sa hangganan ng Sta Maria at Bocaue, Bulacan kahapon.

Kasalukuyan pang nakakaranas na trauma o mental shock at sumailalim din sa medical examination sa PNP-Bulacan Crime Laboratory Office ang biktima na itinago sa pangalang Maria residente ng Brgy. Burol 1 st sa bayan ng Balagtas.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Mirara Cruz ng Wo­men and Children Complaint Desk dakong alas- 7 ng gabi ay kasalukuyang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng McArthur Highway sa bahagi ng Brgy. Burol 1 st ng biglang huminto sa kanyang harapan ang isang kulay puting van na sinasakyan ng mga suspek.

Nagtanong pa umano ang mga suspek sa biktima kung saan ang daan patungo sa bayan ng Bulacan ng lalawigang ito pero isa sa mga ito ay agad na sinunggaban ang ginang at tinakpan ng panyo sa mukha na siya nitong ikinahilo. Na­gising ang ginang ay masakit ang buong katawan matapos hiwain ng blade ng mga suspek at namamaga ang kaselanan. Nagsasagawa na ng follow up operations ang pulisya sa kasong ito.

vuukle comment

BALAGTAS

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BULACAN CRIME LABORATORY OFFICE

BUROL

CHILDREN COMPLAINT DESK

MIRARA CRUZ

STA MARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with