^

Probinsiya

Zambo blast: Bomber gutay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagutay ang katawan ng lalaking bomber na minalas pang mapugutan matapos na sumabog ang bombang itinatanim nito sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur noong Martes ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Inspector ­Ariel Huesca, naganap ang pagsabog sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tapodoc bandang alas-9:35 ng gabi.

Kaagad na rumesponde  ang mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) ng Labangan PNP kung saan narekober ang 60mm mortar shell na cell phone ang triggering device.

Narekober din sa blast site ang nagutay na bangkay ng lalaking napugutan na pinaniniwalaang may dala ng sumabog na bomba. 

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng bomber at inaalam rin ang grupong kinabibilangan nito.

Sa isinagawang clearing operations ay isa pang bomba ang narekober sa may 15-metro mula sa explosion site na nai-detonate ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw.

vuukle comment

ARIEL HUESCA

BARANGAY TAPODOC

CHIEF INSPECTOR

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

KAAGAD

KASALUKUYAN

LABANGAN

NAGUTAY

NAREKOBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with