^

Probinsiya

2 bebot patay sa road mishap

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Magkasamang namatay ang magkaibigang babae matapos na mahagip ang kanilang motorsiklo at masagasaan pa ng sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Putol sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Kapwa idineklarang patay sa Divine Grace Medical Center ang mga biktimang sina Olivia Jalata ng Lancaster Subd. sa Brgy. Alapan, Imus City, Cavite; at Jacquilou Sentillas ng Rockwell Homes sa Brgy. Batong Dalig, kapwa dalaga at factory worker. Arestado naman ang driver ng sasakyan na si Ronald Espinili ng Moonwalk, Parañaque City. Nabatid na magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang masagi ng sasakyan ni Espinili. Nawalan ng balanse ang motorsiklo kaya natumba ito pero habang tumatayo ang mga biktima ay nasagasaan naman ng isa pang sasakyan kung saan nakaladkad pa ng ilang metro ang mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY PUTOL

BATONG DALIG

BRGY

CAVITE

DIVINE GRACE MEDICAL CENTER

IMUS CITY

JACQUILOU SENTILLAS

LANCASTER SUBD

OLIVIA JALATA

ROCKWELL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with