^

Probinsiya

Mister 3 ulit bumagsak sa exam, nagbigti

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –  Desperadong nagpasalubong kay kamata­yan ang 25-anyos na mister na sinasabing tatlong beses bumagsak sa Nursing Board Examination matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sotero Bautista, may asawa, at isang karpintero na tinustusan ang  sarili para makapag-aral ng nursing. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naglasing ang biktima kaharap ang ilang kaanak nang pagsabihan ito ng kanyang mga magulang kaugnay sa pagkabigong pumasa sa nabanggit na examination.
Pinaniniwalaang napahiya ang biktima sa sermon at pa­ngungutya ng mga magulang kaya nagdesisyong magpakamatay.

vuukle comment

BARANGAY SAN FERMIN

CAUAYAN CITY

DESPERADONG

ISABELA

KINILALA

LUMALABAS

NURSING BOARD EXAMINATION

PINANINIWALAANG

SOTERO BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with