^

Probinsiya

Duelo: Sekyu tumba sa pulis

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  â€“ Napatay ang 58-anyos na VIP security personnel matapos na mabaril ng pulis-Maynila habang nagtatalo sa biniling bigas sa tindahan sa naganap na duwelo sa Barangay San Rafael V, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Sapang Palay District Hospital ang biktimang si Reynaldo Estadilla ng Phase 3 sa nabanggit na barangay habang sumuko naman ang suspek na si PO2 Redentor De Los Santos, 42, ng Santiago St., Sta. Cruz, Manila at nakatalaga sa Manila Police District (MPD) na nagtamo naman ng tama sa tiyan matapos makaduwelo ang biktima.

Ayon kay PO2 Eric Belarmino, nagreklamo sa tindera ang biktima sa nabiling bigas mula sa tindahan ni PO2 De los Santos.

Gayon pa man,  na­magitan ang may-ari ng tindahan at sinubukang payapain ang biktima na sinasabing lango sa alak ngunit nagmatigas ito kaya nagpakilala na ang suspek na pulis.

Sa halip na kilalanin ang pagpapakilala ng may-ari ng tindahan ay binaril nito sa tiyan ang suspek kung saan kahit sugatan ay nagawang gumanti ng putok.

Kapwa duguang bumulagta ang dalawa at narekober sa crime scene ang 2 basyo ng bala ng cal.45 pistol at 3 basyo ng bala ng cal. 40 revolver.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN RAFAEL V

ERIC BELARMINO

MANILA POLICE DISTRICT

REDENTOR DE LOS SANTOS

REYNALDO ESTADILLA

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SANTIAGO ST.

SAPANG PALAY DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with