^

Probinsiya

Triggerman kinasuhan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Sinampahan na sa Department of Justice kamaka­lawa ng kasong murder ang isang konsehal ng bayan sa Ilocos Norte matapos itong iturong triggerman sa kasong pagpatay noong nakaraang linggo sa Brgy. Guerrero, Bayan ng Dingras.

Kinilala ni Ilocos Norte Police Spokesman Supt. Malvin Napiloy ang kinasuhan na si Councilor Nathaniel Taylan II na itinuro ng asawa ng biktimang si Glen Dichoso Guerrero.

Ayon sa misis ng biktima, kinausap pa ng suspek ang kanyang mister ng ilang minuto bago ito pinabulagta sa kanyang harapan.

Kasamang sinampahan ng kaso bilang mga lookout sa pagpatay ay ang anak ni Dingras Vice Mayor Jeffrey Saguid na si Nelson at isang nagngangalang Brixton Aquino.

Ayon kay Dingras Mayor Erjo Valenzuela, nabigla siya sa pagkakasangkot ng konsehal at anak ng kanyang bise alkalde sa kaso. Sinabi ni Valenzuela na una na niyang kinausap ang biktimang si Guerrero na iwasan na ang droga.

 

vuukle comment

AYON

BRIXTON AQUINO

COUNCILOR NATHANIEL TAYLAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DINGRAS MAYOR ERJO VALENZUELA

DINGRAS VICE MAYOR JEFFREY SAGUID

GLEN DICHOSO GUERRERO

GUERRERO

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE SPOKESMAN SUPT

MALVIN NAPILOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with