^

Probinsiya

14-anyos nabaril ng 13-anyos

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines– Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 14 anyos na totoy makaraang mabaril ng kanyang kalarong 13-anyos sa Brgy. Camachile, bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Llonar Magtanao  habang nasa pangangalaga naman ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang kaibigan nitong menor-de-edad. Sa ulat ni PO1 Andrea Ritual, naglalaro ang magkaibigan sa bahay ng 13-anyos nang damputin nito ang cal. 22 revolver sa loob ng kuwarto ng kanyang ama. Nag-agawan ang dalawa sa paghawak ng baril subalit biglang pumutok at tumama sa kanang mata ng biktima kung saan naisugod sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang ama ng 13-anyos na sinasabing may-ari ng baril na walang kaukulang dokumennto.

vuukle comment

ANDREA RITUAL

BRGY

BULACAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

KASALUKUYANG

KINILALA

LLONAR MAGTANAO

REMEDIOS TRINIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with