7 tiklo sa pot session
BULACAN , Philippines– Kalaboso ang pito-katao matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rolando Alcantara, 47; Amor Alcantara, 45; Romar Alcantara, 27; Fernando Cruz, 45; Manuel Garcia, 32; Robledo Rubis, 50; pawang nakatira sa Brgy. Pinagbarilan, Baliwag; Darwin Siket, 34, ng Brgy. Tanauan, Bustos, Bulacan. Samantala, tugis naman ang nakatakas na dalawa pang suspek na sina alyas Mulong at Larry. Sa ulat ni P/Supt. Julius Cesar Domingo, ang mga suspek ay naaktuhan sa pot session sa loob ng bahay sa Sitio Hanep. Nasamsam sa mga suspek ang siyam na plastic sachets ng shabu at cal. 22 revolver.
- Latest