Negosyante itinumba
August 8, 2013 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 47-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng nag-iisang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Purok 5, Barangay Basag sa Ligao City, Albay kahapon ng madaling-araw. Nabatid na nakatayo ang biktimang si Eduardo Moraleda sa harap ng kanyang bahay sa nabanggit na barangay nang lapitan at ratratin. Nag-iisa lamang ang biktima sa kanyang bahay matapos nitong palayasin ang kanyang mag-ina noong nakalipas na linggo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















