^

Probinsiya

Ambush: 3 bulagta, konsehal sugatan

Michelle Zoleta at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA , Philippines– Tatlo-katao ang bumulagta habang sugatan naman ang isang municipal councilor makaraang ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Uno, bayan ng Alaminos, Laguna kamakalawa ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Supt Pascual Muñoz, Laguna PNP director, kabilang sa mga napaslang ay sina Emerson “Sonny” Briz ng Barangay San Ildefonso; James Briz, at si Nelson Briz na kapwa nakatira sa Barangay Del Carmen.

Samantala, tinamaan naman sa hita at braso si Alaminos Councilor Lino Zuñiga.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang mga biktimang lulan ng Mitsubishi Lancer (UKG333) mula sa sabungan nang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo at kotse pagsapit sa bisinidad ng Del Pilar Street sa Barangay Poblacion.

Pinaniniwalaang may nakabanggang grupo ang mga biktima habang ito ay nasa sabungan.

Gayon pa man, sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa politika ang naganap na pana­nambang.

vuukle comment

ALAMINOS COUNCILOR LINO ZU

BARANGAY DEL CARMEN

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN ILDEFONSO

BARANGAY UNO

DEL PILAR STREET

JAMES BRIZ

MITSUBISHI LANCER

NELSON BRIZ

SUPT PASCUAL MU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with