^

Probinsiya

6-anyos ni-rape sa palikuran

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang napariwara ang kinabukasan ng 6-anyos na nene matapos itong gahasain ng kanilang kapitbahay na lalaki sa loob ng palikuran sa  Barangay Luyahan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Nakatulala at hindi makapagsalita ang biktimang itinago sa pangalang Judy matapos ang insidente kung saan isinailalim na ito sa medical check-up.

Arestado naman ang suspek na si Willie Zapata matapos positibong ituro ng bata.

Sinamahan ng mga magulang ang biktima para magsup­long sa pulisya kaya naaresto ang suspek.

Matapos  ang ilang araw na pagkatulala, sinabi nito sa kaniyang mga magulang na inabuso siya ng suspek sa loob ng palikuran habang naliligo.

Dahil naman sa matinding takot matapos na pagbantaan ng suspek na papatayin ay hindi agad naipagtapat ng bata sa kaniyang mga magulang ang naganap na krimen.

Kaugnay nito, sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek sa Prosecutor’s Office ng Zamboanga City.

vuukle comment

ARESTADO

BARANGAY LUYAHAN

DAHIL

KAUGNAY

MAAGANG

MATAPOS

NAKATULALA

WILLIE ZAPATA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with