^

Probinsiya

Babae inutas, lover nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang binaril at napatay ang babae ng kanyang kalaguyo bago nagbaril sa ulo ang lalaki sa loob ng apartelle sa Baguio City kamakalawa ng umaga

Kinilala ng pulisya ang lalaki sa pamamagitan ng identification card na nakuha mula sa bangkay nito na si Angelito Rivero, 39, ng Meycauyan City, Bulacan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babae.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Davy Vicente Limmong ng Cordillera PNP, nadiskubre ng roomboy ang duguang katawan ng dalawa bandang alas-10 ng umaga na magkatabi sa kama sa Room 202 Ferioni 2 Apartelle sa #46 Lower Phil-Am.

Nabatid na nag-check-in sa nasabing apartelle ang dalawa noong Hulyo 14 na nakatakdang mag-checkout kamakalawa ng umaga.

Nang hindi pa lumalabas ang dalawa sa nakatakdang check-out ay kinatok na ng roomboy na si Gaspar Durin subalit walang sumasagot kaya napilitan ng ma­nagement na gamitin ang master key para buksan ang pintuan.

Dito na tumambad na nakalugmok  ang dalawa sa kama at may tama ang bala ang cal. 38 revolver sa dibdib.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) sa pamumuno ni P/Supt. Jaime Rodrigo Leal ang cal. 38 Smith and Wesson revolver at tatlong basyo ng bala.

Isinasailalim sa masu­sing imbestigasyon ang naganap na insidente kung nag-suicide o may foul play sa pagkamatay ng dalawa.

 

vuukle comment

ANGELITO RIVERO

BAGUIO CITY

DAVY VICENTE LIMMONG

GASPAR DURIN

JAIME RODRIGO LEAL

LOWER PHIL-AM

MEYCAUYAN CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVE

SMITH AND WESSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with