^

Probinsiya

Sundalo itinumba sa lugawan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay , Philippines  â€“ Pinagsasaksak at napatay ang 26-anyos na sundalo ng Phil. Army ng kanyang nakaalitan sa isang lugawan sa Ninoy Aquino Park sa Barangay Ilawod, bayan ng Daraga, Albay kahapon ng madaling-araw.

Nasawi habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Private First Class Bryan Celso Siglos Jr. ng Bravo Company 565 Engineering Construction Battalion na nakabase sa bayan ng Pili,Camarines Sur at nakatira sa Camp Eldrige, Lalakay sa Los Baños, Laguna.

Bago maganap ang krimen ay may nakaaway ang biktima habang ito ay palabas ng kampo at patungo sa lugawan sa nasabing park.

Nabatid na habang kumakain sa lugawan ang biktima tiniyempuhan siyang lapitan at undayan ng saksak ng nakaalitan.

Dito na duguang bumu­lagta ang biktima habang nagpulasan naman ang ibang customer na kumakain sa lugawan.

Sinamantala ng killer ang pagkakagulo bago tumakas habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY ILAWOD

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BRAVO COMPANY

CAMARINES SUR

CAMP ELDRIGE

ENGINEERING CONSTRUCTION BATTALION

LOS BA

NINOY AQUINO PARK

PRIVATE FIRST CLASS BRYAN CELSO SIGLOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with