^

Probinsiya

Habambuhay sa police colonel na protektor ng shabu lab

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang police colonel matapos na  mapatunayang guilty sa pagbibigay proteksyon sa isang shabu laboratory sa Naguilian, La Union.

 Sa phone interview, kinumpirma ni Judge Ferdinand Fe ng Branch 67 ng Bauang, La Union Regional Trial Court na bukod sa reclusion perpetua laban kay P/Sr. Supt. Dionisio Borromeo ay pinagmumulta din ito ng korte ng P10 M danyos.  Si Borromeo ay  sinibak naman bilang Deputy for Administration ng Cavite Provincial Police Office bunga ng hatol ng korte.

 Samantalang ang isa pa nitong kasabwat na si PO2 Joey Abang ay pinatawan naman ng 12-20 taong pagkakabilanggo at P500,000.00 bayad pinsala sa kaso.

 Ayon kay Fe matapos ang mahigit  isang taong paglilitis sa kaso ay ibinaba na niya ang hatol laban kina Borromeo na napatunayang guilty sa kaso at sa kabila ng pagtanggi ng opisyal sa akusasyon ay mabigat ang iniharap na ebidensya laban dito. 

Itinuro rin ito ng caretaker na si Dante Palaganas, state witness ng DOJ na siya umanong madalas magtungo sa nasabing shabu laboratory na pinangangasiwaan ng mga Chinese drug dealers.

 Si Borromeo, dating hepe ng Provincial Police Mobile Group sa La Union ay itinuro ng mga testigo na siyang nagsisilbing protektor  sa ni-raid na shabu laboratory ng mga awtoridad noong 2008 na nakumpiskahan ng bultu-bultong mga droga, paraphernalia at mga kemikal sa paggamit ng shabu na aabot sa milyun-milyong halaga.

 Nabatid na nakalaya si Borromeo matapos na magpi­yansa ng P 1 M habang ang iba pang mga pulis na sina PO2 Walter Banan at PO1 Rodolfo Damian ay pinawalang sala naman ng korte bunga ng kawalan ng ebidensya.  Ipinalabas rin ng korte ang warrant of arrest laban kina Borromeo at Abang.

vuukle comment

BORROMEO

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DANTE PALAGANAS

DIONISIO BORROMEO

JOEY ABANG

JUDGE FERDINAND FE

LA UNION

LA UNION REGIONAL TRIAL COURT

SI BORROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with