^

Probinsiya

Misis dinedo ng mister

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ang  30-anyos na misis makaraang saksakin ng kanyang selosong mister sa loob ng kanilang bahay kamakalaw ang gabi sa Purok 6, Barangay Herrera, Ligao City, Albay. Naisugod pa sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital subalit idineklarang patay si Marife Guevarra habang nasakote naman ang suspek na si Samuel Francisco, 50. Nabatid na kinompronta ng suspek ang kanyang misis dahil sa napabalitang may ibang lalaki na nanliligaw dito kung saan itinanggi naman ng babae ang akusasyon sa kanya. Dito na nagdilim ang paningin ng suspek at inundayan nang sunud-sunod na saksakin ang biktima bago tumakas subalit nakorner naman ng mga barangay tanod.

 

ALBAY

BARANGAY HERRERA

DITO

JOSEFINA BELMONTE DURAN MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

LIGAO CITY

MARIFE GUEVARRA

NABATID

NAISUGOD

PINABULAGTA

SAMUEL FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with