^

Probinsiya

Napagkamalang kawatan kinatay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dahil sa pag-aakalang kawatan ang 28-anyos na kuya pinagtataga hanggang sa mapatay ng kanyang kapatid na bunso sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Batang, bayan ng Irosin, Sorsogon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Sonny Macalla habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Rowell Macalla, 23. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, lango sa alak ang biktima nang distrungkahin nito ang pintuan ng kanilang bahay kung saan nagising naman ang suspek. Sa pag-aakalang miyembro ng akyat-bahay ang pumasok ay hindi nag-aksaya ng panahon ang suspek at pinagtataga ang biktima sa madilim na bahagi ng kanilang bahay. Nanlumo ang suspek nang maaninagan nito na ang napatay ay sariling kapatid.

vuukle comment

BAHAY

BARANGAY BATANG

DAHIL

IROSIN

KINILALA

LUMILITAW

NANLUMO

ROWELL MACALLA

SONNY MACALLA

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with