^

Probinsiya

Mayoralty bet, anak niratrat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang re-electionist ma­yor at anak nitong lalaki ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa labas ng kanilang tahanan sa bayan ng Victoria , Northern Samar noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Victoria, Mayor Jose Ardales at George Ardales, 23, kapwa naisugod sa Allen District Hospital. Sa ulat ng Northern Samar Police, naganap ang insi­dente sa tapat ng tahanan ng alkalde sa Poblacion dakong alas-8 ng gabi. Base sa imbestigasyon, nakarinig ng komosyon sa labas ng tahanan ang mag-ama kaya lumabas ang mga ito pero agad pinagbabaril ng mga suspek, isa rito ay kinilala sa alyas na Kennedy. Si Mayor Ardales na tumatakbo sa mayoralty race sa ilalim ng National Unity Party ay mahigpit na kalaban ni Liberal Party candidate Guillermo Jumamil sa gaganaping midterm elections sa Mayo 13.

vuukle comment

ALLEN DISTRICT HOSPITAL

GEORGE ARDALES

GUILLERMO JUMAMIL

HUWEBES

LIBERAL PARTY

MAYOR JOSE ARDALES

NATIONAL UNITY PARTY

NORTHERN SAMAR

NORTHERN SAMAR POLICE

SI MAYOR ARDALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with