^

Probinsiya

Driver kisay sa kuryente

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Imbes na pumasok sa trabaho bilang driver ay kamatayan ang sumalubong sa 33-anyos na lalaki matapos na makuryente habang inaapula ang nasusunog na tindahan ng kanyang kaanak sa Barangay Guyong, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Herminio Ignacio Jr., drayber ng Dunkin Donuts at nakatira sa Sitio Libis sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni SFO2 Albert Lagrimas ng Sta. Maria BFP, papasok na sana sa trabaho ang biktima nang mapansin nito na nasusunog ang bahagi ng tindahan ng kanyang pinsang si Pricilla Ignacio. Tinangkang apulahin ng biktima ang kumakalat na apoy matapos makakuha ng hose ng tubig subalit nadikit ang kanyang katawan sa na­kabitin na kable ng kuryente kung saan bigla itong nangisay at tuluyang namatay.

 

vuukle comment

ALBERT LAGRIMAS

BARANGAY GUYONG

BULACAN

DUNKIN DONUTS

HERMINIO IGNACIO JR.

IDINEKLARANG

IMBES

PRICILLA IGNACIO

SITIO LIBIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with