^

Probinsiya

Mayor’s office niransak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Walang sinasantong bahay o gusali ang grupong Akyat-Bahay Gang matapos pasukin at looban ang extension ng opisina ng alkalde sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Ca­vite noong Linggo ng gabi. Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang panloloob bandang alas-9:15 ng umaga matapos inspeksyunin  ni Roel Pregua ang kanilang opisina. Nilimas ang mahahalagang gamit sa loob ng opisina ni Bacoor City Mayor Strike Revilla kabilang ang dalawang yunit ng computer, dalawang speaker, iba’t ibang kable, mga papeles at assorted na susi. Pinaniniwalaang sinamantala ng akyat-bahay na sinasabing naninirahan sa kalapit na Magdiwang Subd. ang mahabang bakasyon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan kaya naisagawa ang panloloob.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BACOOR CITY

BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA

BARANGAY MOLINO

LINGGO

MAGDIWANG SUBD

NILIMAS

PINANINIWALAANG

ROEL PREGUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with