^

Probinsiya

Sanggol initak ng tatay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang sanggol na lalaki makaraang tagain ng sariling ama na nag-amok sa Barangay Sta. Fe, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Justin Romeo, 1, ng blk 9 Biglang Sibol sa nasabing lungsod habang arestado naman ang suspek na si Roberto Romeo, 33, construction worker. Sa imbestigasyon ni PO1 Ellaine Magsino, nagsimulang mag-amok ang suspek na sinasabing naburyong dahil sa matinding pagkalango sa alak at droga. Armado ng matalim na itak ang suspek na iniwasiwas ang itak sa labas ng kanilang bahay habang bitbit ang anak na umiiyak.  Tinangka namang awatin ng kanyang bayaw na si Efren Cantor subalit iwinasiwas nito ang hawak na itak kung saan tinamaan nito sa ulo at noo ang kanyang anak. Pormal naman kakasuhan ang suspek habang ang kanyang anak naman ay aptuloy na inoobserbahan sa ospital.

vuukle comment

ARMADO

BARANGAY STA

BIGLANG SIBOL

CAVITE

DASMARI

EFREN CANTOR

ELLAINE MAGSINO

JUSTIN ROMEO

ROBERTO ROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with