^

Probinsiya

Ship engineer itinumba sa bar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay  ang 38-anyos na ship engineer ng National Power Corporation  makaraang ratratin ng hindi pa nakilalang lalaki habang umiinom sa bisinidad ng Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.

Idineklarang patay sa Sotto Memorial Medical Center matapos tamaan ng tatlong bala ng baril sa likuran si Jomar Lacinto, stay-in 2nd Engineer ng barko ng Napocor na nakadaong sa pantalan ng nasabing lungsod.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, umiinom ng alak ang biktima kasama ang dalawang babae nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki na naka-wig at itim na jacket.

Nagpulasan naman ang mga kustomer sa bar dahil sa matinding takot bagay na sinamantala ng killer sa kaniyang pagtakas.

Sa pahayag naman sa mga imbestigador ni Excel­so Gonzales, kapitan ng barko na wala silang alam na kaaway ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

CEBU

GONZALES

IDINEKLARANG

JOMAR LACINTO

LAPU-LAPU CITY

NAGPULASAN

NATIONAL POWER CORPORATION

SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with