^

Probinsiya

Estudyante grabe sa saksak ng kaklase

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi pagtulong sa paglilinis sa klasrum, nasa kritikal na kalagayan ang 12-anyos na elementary pupil makaraang saksakin ng kanyang kaklase sa labas ng eskuwelahan sa Agdao, Davao City, Davao­  kamakalawa ng hapon.

Patuloy na nakikipaglaban kay kamatayan sa Southern Philippine Medical Center ang biktimang itinago sa pangalang Roman ng Jose Porras Elementary School sa nasabing lungsod.

Samantala, pinaghahanap naman ang suspek na itinago sa pangalang Boyet.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasagutan ang biktima at ang suspek dahil sa hindi pagtulong ng una sa paglilinis sa kanilang silid-aralan kung saan kapwa ang mga ito itinalagang tagapaglinis.

Nabatid na sa halip na tumulong sa paglilinis ay naglaro umano ang biktima kaya nagalit ang suspek bunsod upang abangan nito at pagsasaksakin sa labas ng kanilang eskuwelahan.

Ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama ng saksak sa likuran at isa naman sa kaniyang kamay.

vuukle comment

AGDAO

AYON

BOYET

DAHIL

DAVAO

DAVAO CITY

JOSE PORRAS ELEMENTARY SCHOOL

NABATID

SOUTHERN PHILIPPINE MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with