^

Probinsiya

24 aso nasagip, 3 tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng pulisya ang 24 aso na ibibiyahe sa Baguio City matapos na maharang ang van na pinagsakyan sa mga ito sa kahabaan ng Diocno highway, Lemery, Batangas nitong Miyerkules ng gabi.

 Kinilala ang mga nasakote na sina Cabrera Garga, Ronero Medina at Rosendo Magsino.

 Ayon kay CALABARZON Police Director P/Chief Supt. Benito Estipona, bandang alas-6:40 ng gabi ng maharang ng mga elemento ng 2nd Mobile Company ng Regional Public Safety Battalion (RPSB)  ang Hyundai Grace van (WRP 965) na pinagsasakyan sa mga aso.

 Narekober sa loob ng van ang nasagip na 24 aso na nanghihina na sa sobrang init at tatlong patay na aso.

 Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na dadaan sa Tagaytay City ang mga suspek na magbibiyahe ng mga aso patungong Baguio City kung saan mabentang mabenta ang naturang mga hayop.

 Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na makorner ng mga operatiba ng pulisya.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BENITO ESTIPONA

CABRERA GARGA

CHIEF SUPT

HYUNDAI GRACE

MOBILE COMPANY

POLICE DIRECTOR P

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

RONERO MEDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with