^

Probinsiya

14-anyos stude nasalpok ng bus sa field trip, dedo

Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na high school student habang sugatan naman ang kaklase nito matapos na masalpok ng bus sa pagtatapos ng kanilang field trip sa Camp Mateo Capinpin sa bayan ng Tanay, Rizal noong Biyerne­s ng hapon.

Idineklarang patay sa Capitol Medical Center  ang  biktimang si Rio Bianca Ramirez habang ginagamot naman si Pamela Enriquez, 15,  kapwa estudyante ng  Holy Spirit Academy Malolos (HSAM).

Samantala, kalaboso naman ang driver ng bus na si Carlos Ruelan Villanueva, 63.

Lumilitaw na kumukuha ng litrato ang biktima sa kanyang mga kaklase sa field trip nang masalpok ng bus na sinasabing nawalan ng preno.

Nabatid na bumaba sa bus ang driver para lagyan ng tubig ang radiator su­balit sa hindi inaasahang pangyayari ay bumigay ang preno.

Nakatakda namang ka­suhan ng mga magulang ng biktima ang may-ari ng Outbound Tours na nag-organisa ng field trip at ang mga opisyal ng HSAM.

Sinikap naman ng mga mamamahayag na kontakin ang HSAM para makapagbigay ng kanilang panig subalit hindi makontak. The Phil. Star News Sevice

 

 

vuukle comment

BIYERNE

CAMP MATEO CAPINPIN

CAPITOL MEDICAL CENTER

CARLOS RUELAN VILLANUEVA

HOLY SPIRIT ACADEMY MALOLOS

OUTBOUND TOURS

PAMELA ENRIQUEZ

RIO BIANCA RAMIREZ

STAR NEWS SEVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with